Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas nitong Linggo, Hunyo 26.

Sa datos ng Department of Health (DOH), naitala pa ang 848 na bagong nahawaan ng sakit, mas mataas kumpara sa 777 na tinamaan ng Covid-19 nitong Sabado, Hunyo 25.

Pagdidiin ng DOH, ito na ang pinakamataas na single-day tally ng sakit mula noong Marso ng taon.

Naitala na ng DOH ang kabuuang 3,700,876 na nahawaan, kabilang na ang 3,633,096 na nakarekober sa sakit.

National

Malacañang, nagpaliwanag sa pag-alis kay VP Sara sa NSC: ‘Not considered relevant…’

Lumobo na rin sa 60,518 ang binawian ng buhay sa virus.

Idinagdag pa ng ahensya na nananatili pa ring nangunguna sa mayroong pinakamataas na kaso ng sakit ang Metro Manila, Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), at Central Luzon.