Nakalabas na sa Manila Doctors Hospital sa Maynila si outgoing Senator Leila de Lima matapos sumailalim sa operasyon o "vaginal wall repair" kamakailan.

Dakong 12:40 ng hapon nang makita si De Lima na naglalakad mula sa nabanggit na pagamutan, kasama ang mga police escort at pasakay sa isang coaster van pabalik sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame kung saan ito nakakulong.

Nitong nakaraang linggo, pinayagan ng hukuman ang mosyon ng senador na magpa-opera matapos makitaanngPelvic Organ Prolapse Stage 3.

Sinabi ng korte, maaaring sumailalim sa major surgery si De Lima simula Hunyo 19-25.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nagbigay na rin ng clearance ang hukuman upang mapalawig ni De Lima ang pananatili sa ospital. Gayunman, nagdesisyon ito na lumabas na lamang ng pagamutan nitong Linggo.

"I thank the Courts for their compassion and swift action in allowing me to address my urgent medical needs – from granting my motion for medical furlough for routine checkup last April and my recent motion that would allow me to undergo a major surgery,” pahayag ng senador sa isang panayam sa telebisyon.

Nakakulong si De Lima mula nang maaresto noong Pebrero 2017 dahil sa pagdawit sa kanya sa operasyon umano ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison.