BAGUIO CITY – Timbog ang anim na drug personalities na kinabibilangan ng dalawang High Value Target at apat na Street Level Individuals, na nahuli sa aktong nagpot-session, matapos salakayin ng mga tauhan ng Baguio City Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang isang lodging inn sa may Upper Magsaysay Avenue noong gabi ng Hunyo 24.
Kinilala ni Col. Glenn Lonogan, city director ang dalawang HVT na sinaJuvilyn Reca Plaza, 36, massage therapist at residente ng P. Burgos, Baguio City at Mia Jane Noquilla Postre, 29, massage therapist, at residente ng Green Valley, Baguio City.
Ang apat na SLI na nahuli sa pot session ay sina Joseph Castano, 48, butcher and a resident of No. 3 Chicken Section, Hanger Market, Baguio City; Paterson Anciano Domaino, 23, massage therapist and a resident of Green Valley, Baguio City; Bonsay Galman Ocampo, 36, beautician and a resident of Sablan, Benguet and Rodel SanchezBuhay, 23 and a resident of Balsigan, Baguio City.
Ayon kay Lonogan, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya at PDEA sa loob ng LL Lodge dakong alas 8:00 ng gabi sa dalawang HVT at habang isinasagawa ng transaksyon ay tumakbo sa isang kuwarto ang isa sa suspek at nang sundan ng pulisya ay nahuli sa akto ang apat nagsasagawa ng pot session.
Nakuha sa mga suspek ang isang small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 5.00 grams at may Standard Drug Price (SDP) na P34,000.00 (subject of sale) at limang small transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystallinesubstance na may kabuuang 15.4 grams at may SDP of P104,720.00 (Possession) .
Narekober din ng pulisya ang 15 piraso ng One Thousand Peso Bill boodle money; limang piraso na iba't ibang cellular phones; tatlong piraso ng improvised plastic tooters; anim na pirasong assorted lighters; ilang piraso rin na gamit na aluminum foils; dalawang piraso ng gunting; isang maliit na black leather pouch; dalawang piraso ng plastic containers; at isang dark brown sling bag.
Napag-alaman na ang dalawang nadakip na HVT ay kusang loob na sumuko noong 2016 habang kasagsagan ng Oplan Tokhang, samantala ang apat na indibidwal ay unamin na gumagamit at nagbebenta ng shabu sa inuupahang kuwarto ng lodge na nagsimula noong Abril 2022 bilang kabuhayan.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 Sec.5 (Selling), Sec. 6 (Maintenance of Drug Den), Sec. 7 (Visitors and employees of Drug den), Sec. 11 (Possession of Illegal Drugs), at Sec. 12 (Possession of illegal drug paraphernalias).