"Tahimik lang na kumakayod bilang presidente," ganyan inilarawan ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Jr. ang yumao na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Isa si Baguilat sa mga umalala sa death anniversary ni Aquino.

"Remembering PNoy. Tahimik lang na kumakayod bilang Presidente," saad niya sa kaniyang tweet nitong Biyernes, Hunyo 24.

"Inangat ang ekonomiya, pinaganda ang takbo ng gobyerno, sinimulan ang mga programa sa kalusugan, edukasyon at social services. At magalang sa lahat Kahit sa mga kritiko," dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1540295417136484352

Matatandaan na noong Hunyo 24, 2021, pumanaw si PNoy sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes. Ginunita naman ang kaniyang death anniversary sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University na dinaluhan ng kaniyang mga kamag-anak, dating mga kaklase, dating cabinet members, at mga kaibigan.

Samantala, tila umayon naman ang ilang mga netizens sa naging pahayag ni Baguilat: 

"Nakkamiss ang murang bilihin . Dati 1k mo ang dami mo ng mabibili kayang punuin ang refigerator . Ngayon 1k good for 1day na lang. dati 800 pesos full tank kna ngayon 4k full tank"

"ngayon ko lang narealize yung 100 ko noon na baon sapat na buong araw. ngayon 60 pesos pamasahe palang balikan ng bahay."

"Yung nilatag na lahat nung 2016.naka ready na lahat. Biglang kumambyo yung sumunod na lider.kung saan saan na lang nilagay ang iniwang budget."

"korique. yung iba dyan gumawa ng youtube series. may pa biography film effect pa. yet waley utak nga nga."

"These positive thoughts bring back memories of Noynoy’s good governance based on moral and ethical policies."

"dun ako napahanga, sa hearing, nung sinabi niya, "para sa aking mga boss""

"Noon libre criticism sa gobyerno. Ngayon me trolls at panatikong sinasamba ang mga taong pinapaswelduhan ng buwis nila. Minsan, nakakawalang ganang maging Pinoy."

"Yes po. Never ever ng redtag o ngpakulong ng critics nya. O kya magpsara ng network dhil lng di n ere ang ads nya. S halip mas pinag ihusyan p nya pra di sya mphiya s mga boss nya."