Posible umanong isailalim sa Alert Level 2 ang apat na lugar sa Metro Manila dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang apat na lugar na naiklasipika na rin bilang "moderate risk" ay kinabibilangan ng Quezon City, Marikina City, Pasig City, San Juan at Pateros.

Nilinaw naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kaya isinailalim nila sa "moderate risk" ang limang lugar batay na rin sa two-week growth rate nito, average daily attack rate at ng kanilang health system capacity.

"Ang kanilang growth rate ay lumalagpas ng 200 percent dMaaari aniyang ilagay sa Alert Level 2 ang limang lugar na nasa moderate risk.

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

"For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That's the time we are going to decide and that's going to be IATF (Inter-Agency Task Force) to decide," anang opisyal.

Kabilang aniya sa dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19 ang humihinang immunity ng populasyon at ang pagbalewala sa public health standards.

"Marami tayong factors lagi that will contribute to the increase in number of cases. Tama kayo, kasama na diyan ’yung pagpasok ng subvariants ng Omicron sa ating bansa, which, based on evidence, is more transmissible. Kasama na rin diyan 'yung compliance sa minimum health standards," dagdag pa ng opisyal.