Bumubuti na umano ang kalagayan ng kalusugan ni Superstar Nora Aunor matapos maospital at hindi makadalo sa paggawad ng parangal sa kaniya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Pelikula at Broadcast Arts.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/11/noranian-na-si-jerry-gracio-masaya-sa-pagiging-national-artist-ng-idolo-kahit-magkaiba-ng-paniniwala-sa-politika/">https://balita.net.ph/2022/06/11/noranian-na-si-jerry-gracio-masaya-sa-pagiging-national-artist-ng-idolo-kahit-magkaiba-ng-paniniwala-sa-politika/
Sey ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, ayon sa kaniyang sources, magandang balita raw na umaayos na ang lagay ng Superstar, at dulot daw ito ng kolektibong panalangin ng mga taong nagmamahal sa batikang aktres.
“Hindi tayo sigurado kung totoong pinayagan na ng ospital. Hindi tayo sigurado, bagaman 'yun ang kumakalat ngayon. Wala pa po kaming impormasyon na totoong pinayagan na ng ospital na lumabas si Nora Aunor," ani Fermin.
“Basta ang alam namin, maraming sektor po ang nagsasabi na bumubuti-buti na raw ang kalagayan ni Ate Guy,” dagdag ni Cristy. 'Yan ang magandang balita, 'di ba?” aniya pa.
Humiling pa ang showbiz columnist na patuloy na magdarasal ang mga tao para sa tuluyang paggaling ni Ate Guy.
"Kahit pa bumubuti na ang kaniyang sitwasyon, ipagpatuloy pa rin natin ang pagdarasal, na sana malampasan niya itong paghamon na ito."
Ang dahilan umano ng pagkaka-ospital ni Ate Guy ay nahirapan itong huminga. Hindi ito pinayagan ng doktor na dumalo sa awarding ceremony. Naghanda pa mandin ang Superstar para sa makasaysayang araw na ito.
"Nagpagawa pa raw ng damit, pero pagdating noong awarding, hindi niya kakayanin. Sabi, ayaw payagan ng mga doktor niya si Nora Aunor na umalis at lumabas ng ospital," ani Cristy.
Isa pa sa magagandang balitang kaugnay nito, ay si Lotlot De Leon daw ang nag-alaga sa kaniya, bagay na magandang hudyat daw ng pag-aayos sa pagitan ng dalawa.