Hindi na umano babalik sa morning talk show na "Magandang Buhay!" si Momshie Karla Estrada matapos ang halos anim na taong pagiging original host nito.

Matatandaang noong Pebrero 2022 ay pansamantalang umalis si Karla sa programa dahil sa kaniyang kandidatura sa halalan, bilang nominee ng Tingog party-list.

Umani rin siya ng kaliwa't kanang batikos nang magpahayag siya ng suporta sa UniTeam, at pinaratangang walang utang na loob sa kaniyang home network, dahil ang first nominee ng party-list na kaniyang sinamahan ay isa umano sa mga bumoto na huwag pagbigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sina Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang humalili kay Momshie Karla, at ngayong abala si Regine sa concert nila ni Megastar Sharon Cuneta, si Queen of Philippine Soap Opera Judy Ann Santos naman ang sumalang bilang host.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Nitong Hunyo 23 ay ibinahagi ni Momshie Karla ang litrato nila ng kapwa Magandang Buhay hosts na sina Momshie Jolina Magdangal at Momshie Melai Cantiveros, na mukhang kuha sa set ng naturang morning talk show. Ito raw ay mula sa taping ng kanilang farewell episode para kay Momshie Karla.

"Happy to see you my Momshies!!! Ang Pamamaalam… ABANGAN!" ani Karla at naka-tag pa ito kina Melai at Jolina.

"Good Vibes with all momshies," pahabol pa nito.

Sa comment section ay nag-react naman si Melai.

"Hayaaaan naaaaaa…"

Tugon naman ni Karla, "Hahahahhaa Ayan naaaaa!!!"

Nagkomento rin dito ang mga celebrity na sina Ogie Alcasid at Sunshine Cruz.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/23/cryptic-ig-post-ni-momshie-karla-kasama-sina-jolina-at-melai-palaisipan-sa-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/06/23/cryptic-ig-post-ni-momshie-karla-kasama-sina-jolina-at-melai-palaisipan-sa-mga-netizen/

Ang rason daw kung bakit aalis na nang tuluyan si Momshie Karla ay dahil pagtutuunan nito ng pansin ang kaniyang gampanin sa Tingog, kahit na hindi siya makakaupo sa puwesto. Kaya abangers na lang sa matitinding mga anunsyo ng mga momshies kung sino nga ba ang papalit sa puwesto ni Momshie Karla bilang permanenteng host, o magkakaroon na lamang ng guest co-host.