Asahan ng mga motorista ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 28.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, sa Martes posibleng tataas ng P1.00 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng diesel, may marahil na dagdag-presyo o bawas-presyo na P0.20 sa gasolina habang walang paggalaw o P0.20 na maaaring ipapatong sa presyo ng kerosene.

Ito ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng digmaan ng Russia at Ukraine.

Noong Hunyo 21, nagtaas ng  P3.10 sa presyo ng diesel, P1.70 sa kerosene, at P0.80 sa gasolina.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol