Nasa kabuuang 33 couples ang masayang naikasal sa tulong ng Kasalang Bayan 2022 ng Taguig City Government noong Hunyo 24.

Puno ng pagmamahal na nangako ang mga ito para sa isa't isa sa idinaos na simpleng seremonya ng kasal sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City nitong Biyernes. 

Nakatanggap ang 33 couples ng mahahalagang handog para sa nasabing espesyal na okasyon kabilang ang bouquet ng bulaklak ng mga bride, boutonnière ng mga groom, wedding coins, wedding candles, at souvenir cake. 

Bukod dito, namahagi ang lokal na pamahalaan para sa mga bagong kasal ng isang sakong bigas at ng health package na naglalaman ng isang bote ng alcohol (500 ml), isang kahon ng surgical masks, at isang kahon ng ascorbic acid.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagkaloob din ng mga papremyo ang Taguig LGU sa mga napiling best-dressed couple at ang parehang may pinakamahabang cohabitation.

Ang lokal na pamahalaan  sa pamamagitan ng Civil Registry ay nagsusulobg ng mas malakas na komunidad gaya ng ganitong kaganapan para tulungan ang mga magkasintahang nais makaranas ng masaya at katangi-tanging kasal.

Nasunod naman ng mga bagong kasal at kanilang mga bisita ang health at safety protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at wastong physical distancin para sa kaligtasan ng lahat ng dumalo.

Nagpaabot naman ng malugod na pagbati si outgoing Mayor Lino Cayetano sa mga bagong kasal sa lungsod kasabay ng hangad nitong kabutihan at katiwasayan sa pagbuo ng pamilya ng mga ito.