Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa ₱124 milyong halaga ng ipinuslit na frozen poultry products mula sa China kamakailan.

Ayon sa BOC, misdeclared ang mga agricultural products na ipapadala sana sa Daniry Consumer Goods Trading at Jeroce Consumer Goods Trading.

Nauna nang idineklara ang dalawang shipment bilang hotpot balls at steamed buns.

“Derogatory information received by Intelligence Group and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) that above-mentioned shipments were suspected to contain misdeclared agricultural products,” paliwanag ni CIIS Director Jeoffrey Tacio.

Nang isailalim sa pagsisiyasat noong Hunyo 21 ang mga kargamento ay natuklasang naglalaman ngmga frozen na pato, hita ng manok, binti ng pato, atpork products.

Politics

Anti-dynasty bill, pasado na sa 2nd reading sa Kamara!

Inihahanda na ng BOC ang paghahain ng kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act laban sa mga may-ari ng kargamento.

PNA