Nagsagawa ng earthquake drill ang Taguig City government bilang bahagi ng disaster preparedness program ng lungsod, nitong Hunyo 23.

Sa tulong na rin ng Taguig Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) at ng Health Emergency Management Service (HEMS) ng City Health Office, sinanay ang mga lumahok sa Drop, Cover and Hold technique. 

Dahil may dalang ibang epekto pagkatapos ng lindol, nagsagawa rin ng simulations sa magkakaibang senaryong kinabibilangan ng pag-apula ng sunog, pagresponde ng mga pulis, paglilikas, search and rescue, traffic management, at extraction and medical response.

Layunin nitong maturuan ang mamamayan kapag nagkaroon ng lindol at iba pang kalamidad.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon