Hindi nakuha ang 7'2" na si Kai Sotto sa isinagawang 2022 NBA Draft nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

“I can’t explain the feeling, but it’s not a good feeling obviously.I know I really worked hard and I really did my best to get here,” reaksyon ng 20-anyos na manlalaro sa panayam sa telebisyon pagkatapos ng draft.

Nauna nang nagpahayag ng pag-asa si Sotto na makukuha ito sa Rookie Draft. Gayunman, hindi pa rin tinawag ang pangalan nito hanggang sa matapos ang dalawang ikot ng rookie draft saBarclays Center sa Brooklyn.

Bago sumali sa rookie draft si Sotto, naglaro muna ito saAustralia National Basketball League (NBL). Naging bahagi rin ito ngNBA G League select team Ignite. Gayunman, hindi ito nakalaro noong 2021.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaagad namang kinumpirma ng agent ni Sotto na si Joel Bell, na babalik na ito sa Pilipinas.

Matatandaang Marso 2021 nang isapubliko ni Sotto na maglalaro ito sa Adelaide 37ers sa Australian NBL at matapos ang isang taon ay idineklara nito na sasali ito sa NBA Rookie Draft.

Bago pa sumapit ang draft, dumalo na si Sotto sa practice ng Indiana Pacers, at Sacramento Kings kung saan assistant coach si Jimmy Alapag.