Balik-operasyon sa Sabado, Hunyo 25, ang biyaheng San Pablo, Laguna patungong Lucena City ng Philippine National Railways (PNR) makalipas ang halos isang dekada.

Ayon sa Department of Transportation, bubuksan na muli ang naturang linya sa Sabado, Hunyo 25. 

Sa oras na magsimula ang operasyon nito, aabot na lamang sa 30 minuto ang biyahe Lucena, Quezon Province hanggang San Pablo, Laguna na dating isang oras na biyahe.

Noong Oktubre 2013 pa ang huling operasyon ng PNR Lucena-San Pablo commuter line. Ang 44-kilometro inter-provincial railway commuter line ay magkokonekta sa Lucena, Quezon Province hanggang San Pablo, Laguna kung saan malaki ang magiging bahagi nito sa pagbuo ng PNR Bicol o 'Bicol Express'.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, batay sa fare matrix, P50 ang magiging regular na pamasahe.