Maglalaro na sa Taiwan si dating University of the Philippines (UP) Fighting Maroons player Ricci Rivero.

Si Rivero ay unang Asian na maglalaro bilang world import sa Taoyuan Pilots ng P.League+ sa Taiwan.

Pumirma si Rivero sa nabanggit na koponan para sa 2022-2023 season.

Kinumpirma rin ni Rivero na kaya niya napilli ang Taoyuan dahil may tiwala ito sa kanya nang hintaying matapos ang panahon ng paglalaro nito sa Fighting Maroons sa men's basketball ng UAAP Season 84.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Binigyan ko po ng importansya 'yung pinakita nilang halaga at tiwala sa pwede kong maitulong sa team. Hindi po sila bumitaw at matiyagang naghintay," pagdidiin ni Rivero.

“Being the first Asian to play as World Import in the P.League was also a huge factor. I want to embrace this kind of challenge as my professional career begins,” banggit pa nito.

Sa kanyang UAAP career, nahablot ni Rivero ang unang kampeonato sa La Salle noong 2016 at nang lumipatsa UP ay nakamit din nito ang kampeonato kamakailan.

Kamakailan, naglaro rin sa Hiroshima sa Japan B.League ang dating teammate nito sa La Salle na si Justin Baltazar.