Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes kasama ang mga kinatawan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), 17 Metro Manila local government unit at concerned national agencies, ang 4th Joint Coordination Committee (JCC) Meeting for the Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) nitong Biyernes, Hunyo 24.

Iprinisinta ng JICA Project Team ang buod ng 5-year Action Plan on Traffic Management na nakatuon sa mga isyu ukol sa pangangasiwa ng trapiko na kinakaharap ng Metro Manila; mga istratehiyang panandalian at pangmatagalan maging ang pamamagitan sa pamamahala sa suliranin sa pagsisikip ng daloy ng trapiko partikular na prayoridad sa mga lugar na may matinding trapik; at may umiiral na signal systems at kapasidad ng paggawa ng engineering, enforcement, education, road safety, at active transport.

"To ensure execution of the plan, the MMDA, in its capacity, will carry out its commitments to the strategies and projects in the action plan. We are also currently implementing several recommendations from the action plan through the agency's mandates and have produced significant improvements," sabi ni Artes sa naturang pulong.

Kabilang sa listahan ng pagpapabuti ng mga hakbang sa mga pangunahing lugar na matindi ang trapik sa Metro Manila ay ang intersection geometry upgrades, signal timing optimization at bagong signal installation, pavement marking adjustments, at paglalagay ng standardized traffic signs.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Sinabi pa ni Artes na ang CTMP ay magpapalakas sa mga kapabilidad ng pamamahala sa trapiko sa National Capital Region kasabay ng panawagan nito sa mga LGUs at national agencies na gawin ang kanilang tungkulin at mag-adopt o gumaya ng mga proyektong magpapagaan sa kondisyon ng trapik sa Metro Manila.

Ayon kay Seiya Matsuoka, Project Team Lead and Road Traffic Management Specialist, na kailangan ang malapit na koordinasyon sa lahat ng sektor upang epektibo ang pagtugon sa mga isyu sa pamamahala ng trapiko.

Hiniling din ni Artes sa JICA na magbigay ng technical assistance sa pagbabago ng Intelligent Transport System (ITS) sa Metro Manila gamit ang makabagong teknolohiya ng Japan upang resolbahin ang trapik sa Metro Manila.