Ipinagdiriwang ng Lungsod ng Maynila, kapitolyo ng Pilipinas, ang ika-451 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong Biyernes, Hunyo 24.
Iba't ibang aktibidad ang nakahanay ngayong taon bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang. Kabilang dito ang mga float parade, street dancing, sports fest, job fair, at mga awarding ceremonies.
Ang highlight ngayong taon ay ang Nilad Festival 2022.
“Nilad is a cultural icon and a representation of the journey and history of Manila; a budding plant that is trying to trace and find its origin so it can once again bloom and be visible not only to the country, but also to the rest of the world,” ayon sa website ng Manila government.
“The Nilad is not just a plant that we are trying to revive, but also all the stories of Manila that are worth sharing and experiencing,” dagdag pa nito.
“Let’s make Manila claim its place as the center of festivities, arts, and culture in the Country."
Naghandog naman ng isang Mega Job Fair ang Maynila noong Hunyo 20 sa Arroceros Forest Park sa Ermita para sa lahat ng mga kababayang naghahanap ng trabaho.
Kabilang ito sa week-long celebration ng Araw ng Maynila.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/20/manila-day-2022-mega-job-fair-idinaos-sa-arroceros-forest-park/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/20/manila-day-2022-mega-job-fair-idinaos-sa-arroceros-forest-park/
Nakatakda ring pasinayaan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso atVice Mayor, na ngayon ay Mayor-Elect, Honey Lacuna, ang Bagong Ospital ng Maynila.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/19/bagong-ospital-ng-maynila-pasisinayaan-sa-araw-ng-maynila/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/19/bagong-ospital-ng-maynila-pasisinayaan-sa-araw-ng-maynila/