Pinatutsadahan ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang isang netizen at may mensahe rin ito sa mga umano'y 'talunan.'

Ibinahagi ni Yap sa isang Facebook post noong Huwebes, Hunyo 23, ang screenshot ng post ng isang netizen na tila binago nito ang cast ng 'Maid in Malacañang.'

Sa naturang screenshot, makikitang inedit ang mga mukha ng mga gaganap sa pelikula-- si Ai Ai Delas Alas ang gaganap na Imee, American actor na si Ken Jeong bilang BBM, at si Toni Gonzaga bilang Irene. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Sa totoo lang, hindi ko gets, na sa mga WOKEkininam galing ito— mga galit sa ad hominem, face and body shaming and all…pero tawang-tawa sa pambatang asar na ganito," sey ni Yap.

"Ipinipilit talaga nila yang Pedophile Issue against me, based to maliciously compiled tweets and lies— pagkinorek mo; ang isasagot sayo eh screenshot ng incomplete thread. HAHAHA! kunwari fact-loving ang mga heyep.

"Aiai as Imee, Ken Jeong as BBM and Toni as Irene? Ok sana ang paFIX kuno nila kung same age ng character; I don't find these people ugly… kung ako man ang Marcos Sibs, hindi rin ako maooffend.. AiAi Delas Alas is a beautiful woman, mahaba ang baba—oo...pero di naman masagwa— inilalapit nila ito sa mga edited photos ni Sen. Imee—tapos itong Holywood actor at si Toni naman for BBM and Irene- o? anong degrading doon? kung pwede ngang kunin eh- kaso hindi naman akma," patutsada ng direktor.

Ayon pa kay Yap, hindi maiintindihan ng mga umano'y 'bitter' sa eleksyon ang pinanggagalingan nila dahil hindi naman daw nanalo ang mga ito.

"Bakit kaya itong mga bitter sa election, nakikipagsaya sa casting at promo ng movie namin, eh di naman sila kasali— Una, may nalalaman pang Historical Facial Revisionism? HAHAHA; tignan ko lang ang tawa nyo pag napanood nyo na. HAHAHAHAHA! *naiintindihan ko kayo— pero kami di nyo kami maiintindihan, di naman kayo nanalo eh.

"Salamat po sa atensyon at libreng promosyon; pero ngayon pa lang, take my advise— mag gym kayo, kumain ng masusustansyang pagkain, magvitamins, 8 glasses of water, magdasal, or MAGNOVENA," sey pa niya.

Samantala, may mensahe ang kontrobersyal na direktor sa mga 'talunan.'

"Mga Talunan, hindi nyo kakayanin ang laman ng pelikulang ito, matutuyuan kayo, mapapatiran ng ugat at ikabubula ng bibig nyo ang mga katotohanang matagal na ninyong pinapahiran ng tawas para hindi mangamoy."

Nakatakdang mapanood sa sinehan sa susunod na buwan ang pelikulang 'Maid in Malacañang.'

Ang pelikulang ito aymagpapakita ng “the last 72 hours of the Marcoses inside the Palace through the eyes of one reliable source.”

Gagampanan ito ng mga mahuhusay na aktor kabilang sina Cesar Montano (Ferdinand Marcos Sr.), Diego Loyzaga (Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.), Ruffa Gutierrez (Imelda Marcos); Cristine Reyes (Imee Marcos), at Ella Cruz (Irene Marcos).

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2022/06/23/official-poster-ng-maid-in-malacanang-inilabas-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/23/official-poster-ng-maid-in-malacanang-inilabas-na/

https://balita.net.ph/2022/06/22/direk-darryl-inasar-mga-umokray-sa-casting-ng-maid-in-malacanang/