Apat ang naiulat na namatay at lima ang nasugatan matapos bumagsak ang sinasakyang cargo plane ng militar sa Ryazan, Russia, nitong Biyernes.
Naiulat na kinikilala pa ng mga awtoridad ang mga binawian ng buhay at limang nasugatan na isinugod sa ospital.
Sa paunang imbestigasyon ng Russian Defense Ministry, sumasailalim sa training flight ang eroplano nang biglang pumalya ang makina nito dakong 4:00 ng madaling araw.
Nang tangkaing lumapag sa bukid ay bumagsak ito malapit residential area hanggang sa masunog.
Sa siyam na pasahero at tripulante ng eroplano, apat ang namatay at lima ang malubhang nasugatan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.