Ibabalik na muli ang tradisyunal na basaan sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival sa San Juan City sa Hunyo 24.

Ito ang kinumpirma ni City Mayor Francis Zamora kasabay ng paglalatag nito ng mga aktibidad sa kapistahan ng kanilang patron na si San Juan Bautista sa Biyernes.

Bukod dito, magkakaroon din ngstreet dancing competition, libreng concert, fireworks display, at prusisyon bilang pagdiriwang sa pista na magsisimula dakong 9:30 ng umaga.

Nag-abiso rin ang pamahalaang lungsod dahil pansamantalang isasara sa mga motorista ang Pinaglabanan Street mula sa N. Domingo hanggang sa P. Guevarra sa Hunyo 24, mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng gabi.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Pinayuhan din ang mga residente na sumunod sa mga health and safety protocols sa ilalim ng Alert Level 1, katulad ng pagsusuot ng face mask.

Kaugnay nito, inabisuhan namanni City Tourism and Cultural affairs officer Brian Geli ang mga papasok sa trabaho na humanap ng alternatibong ruta upang makaiwas sa basaan na pinaniniwalaang sumisimbolo sa pagbibinyag bilang Kristiyano.