Nanawagan na ang mga sugarcane farmer o magtutubo na imbestigahanang mga negosyanteng nagtatago umano ng daan-daang libong tonelada ng asukal upang magkaroon ng artificial shortage ng suplay nito sa bansa.
Iginiit ni United Sugar Producers Federation president Manuel Lamata, panahon na upang kumilos angDepartment of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Sugar Regulatory Administration sa pamamagitan ng pagsalakay sa mga bodega ng malalaking negosyante.
"Ang dami dating sugar nasa bodega ng traders, walang shortage po," giit ni Lamata sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes.
Hindi aniya naaantala ang produksyon ng asukal kahit nagkaroon pa ng sunud-sunod na bagyo sa bansa kamakailan.
Apela ni Lamata sa gobyerno, dapat na kasuhan ng economic sabotage ang mga negosyanteng nagtatago ng suplay ng asukal upang mausig ang mga ito.
"They should file a case against unscrupulous traders who are constricting the market. Itinatago nila, kunwari walang supply kaya sobra-sobra ang akyat ng presyo, hindi na tama 'yan," giit pa ni Lamata.