Irerekomenda ng Department of Tourism (DOT)-Cordillera ang pagkansela sa certificate of accreditation o pagsasara sa Camp L & C Resort sa Sitio Gapang, Barangay Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga kasunod ng pagkamatay ng isang nurse matapos mahulog sa zipline noong Hunyo 12.
Sa pahayag ni DOT-Cordillera director Jovita Ganongan, hinihintay na lamang nila ang resulta ng imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng pananagutan ng mga may-ari ng nasabing resort kaugnay ng pagkasawi niPaul Herbert Pallaya Gaayon, 31, may-asawa, at taga-Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.
“Noong huling inspeksyon namin sa lugar ay wala ang zipline, kaya nabigyan ito ng DOT accreditation bilang isang resort at hindi saklaw ng kanilang accreditation ang pagkakaroon ng zipline sa kanilang pasilidad.
Wala silang ipinaalam sa amin na naglagay sila ng recreation na zipline, kaya ito ay labag sa DOT rules and regulations,” pahayag pa ni Ganongan.
Nagpadala na aniya sila ng Notice to Explain sa may-ari ng resort upang makapagpaliwanag sa insidente at sa paglabag ng mga ito samga pamantayan ng accreditation sa kaligtasan.
Binanggit ni Ganongan na kungmapapatunayangnagkaroon ng paglabag ang naturang leisure facility ay agad nilang irerekomenda ang pagpapasara nito.