Sa tatlong magkakasunod na taon, nasungkit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pinakamataas na audit rating nito mula sa Commission on Audit COA para sa fiscal year 2021.

(MMDA)

Ibinibigay ng COA ang “unqualified opinion” na ikinonsiderang pinakamagandang opinyon ng Komisyon na ipinagkakaloob sa isang ahensya ng pamahalaan na patungkol sa patas na presentasyon o pagpapakita ng financial statement ng MMDA.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nalugod at nagpasalamat si MMDA Chairman Attorney Romando Artes sa ibinigay na pagkilala ng COA sa ahensya at sinabing nagsasagawa ang MMDA ng mga reporma o pagbabago ukol sa budgetary process, expenditures, disbursement, at financial reporting.

“The MMDA is very thankful to the COA for recognizing the instituted reforms in the agency,” ani Artes.

“We have to sustain, if not improve, these established reforms to be able to serve Metro Manila better, especially since we are now reeling from the effects of the pandemic,” dagdag nito.

Ang katulad na audit rating ay iginawad sa MMDA noong 2019 at 2020 noong panahong Assistant General Manager for Finance and Administration pa si Artes.

Dahil sa maayos at magandang pamamahala sa pinansiyal ang MMDA, ang mga tauhan ng ahensya ngayon ay tumatanggap ng lumalaking mga benepisyo gaya ng minimum wage para sa job order personnel. Bukod rito ang 570 na job orders na tauhan ng MMDA ay nalipat patungong casual positions.

“These changes have benefitted not just the agency, but also its employees and their morale, and the stakeholders, as well,” pahayag naman ni MMDA General Manager Undersecretary Frisco San Juan, Jr. 

Upang mapanatili at masiguro ang epektibong paghahatid ng kanyang mga serbisyo, sinimulan ng MMDA ang pag-upgrade sa mga pasilidad nito lalo na sa konstruksiyon ng bagong MMDA Head Office Building sa Pasig City kung saan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa idinaos na inagurasyon ng gusali noong nakaraang Mayo.

Patuloy ang MMDA sa pagtutulak ng mas maraming programa at polisiya alinsunod sa kanyang mga mandato at katungkulan kabilang ngunit hindi limitado sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga imprastraktura na kokontrol sa baha, reporma sa pamamahala ng trapiko at paghahanda sa kalamidad o sakuna, na nais ng mga kasalukuyang opisyal na maipagpatuloy naman ng papasok na administrasyon.