Idineklara ni outgoing Manila Mayor Isko Moreno bilang special non-working holiday ang Hunyo 30, 2022 sa Lungsod ng Maynila upang bigyan umano ng pagkakataon ang mga Manileño na masaksihan ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Gaganapin ang nasabing inagurasyon sa National Museum of the Philippines sa Padre Burgos Avenue sa Ermita, Maynila.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"To ensure the safety, security, and protection of participants to this agencies of the national government, has to close various thoroughfare in and around the perimeter of the inaugural venue which will undeniably affect the flow of traffic both motorists and the riding public," ayon sa Executive Order no. 53.

"It is but fitting and proper that all citizens of the country, in general, and residents of the City of Manila, in particular, be given full opportunity to witness and welcome this significant event in life of the nation," dagdag pa nito.

Sa Hunyo 30 rin nakatakdang umupo sa puwesto si Marcos at ang kaniyang ka-tandem na si Vice President-elect Sara Duterte.