Idineklara na ng Malacañang ang Hunyo 24 bilang special non-working holiday sa Maynila para sa pagdaraos ng ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the national government,” ayon sa Proclamation No. 1400 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinirmahan ni Medialdea ang proklamasyon  nitong Miyerkules. 

Ang Maynila ay  itinatag ni Spanish conquistador Miguel Lopez de Legazpi, ang unang governor-general of Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, noong Hunyo 24, 1571.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle