Mahigit sa 1,000 ang naiulat na namatay matapos matabunan ng mga gumuhong bahay nang tamaan ng 5.9-magnitude na lindol ang Afghanistan nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa U.S. Geological Survey, ang pagyanig ay naitala sa layong 44 kilometro mula sa timog silangan ng Khost City, malapit sa border ng Pakistan.
Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang supreme leader ng Taliban na si Haibatullah Akhundzada.
Sa inisyal ulat ng mga awtoridad, nasa 90 na bahay ang gumuho at pinaniniwalaang natabunan ang mga residente.
Naiulat na nasa 1,500 residente ang nasugatan at karamihan sa mga ito ay isinugod sa iba't ibang ospital.
Inaasahang aakyat pa ang bilang ng namatay habang patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations.
ReplyForward