Inihahanda na ngMetro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang sistema sa paniningil ng pasahe dahil matatapos na ang 'Libreng Sakay' programnito sa Hunyo 30.

"Gustuhin man naming i-extend 'yan, ang aming termino ay kasabay ng pagtapos ng termino ni President (Rodrigo) Duterte, which is June 30. Anumang extension niya, ibinibigay namin sa bagong administrasyon kung itutuloy nila o hindi… Meron naman tayong regular operations budget. Tuloy-tuloy 'yan and pagdating sa dulo, kung kakapusin tayo by last quarter, saka kami magre-request sa Kongreso ng additional budget, which is normally naman ay ibinibigay 'yan," paliwanag ni MRT-3 General Manager, Director for Operations Michael Capati.

Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3, aabot na sa P450 milyon ang nalugi sa kanila mula nang ipatupad ang libreng-sakay noong Marso 28.

Idinahilan pa na hindi na nila kakayaning mapalawig pa ang libreng-sakay, maliban lamang kung popondohan ito ng gobyerno.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

"Ang gobyerno natin ngayon ay limited ang funding at limited din ang budget because of the pandemic. Kung fully free ride? Talagang mabigat, unless the government could really give us the budget, bakit hindi? Pero kailangan naman any entity naman kailangan din namin ma-sustain din naman na magkaroon kami ng additional revenue para 'di kami dependent sa (national) gobyerno," paliwanag pa ni Capati.