Kahit isang linggo na lang ay bababa na sa puwesto, nagtalaga pa rin ngofficer-in-charge ng Department of Agrarian Reform (DAR) atDepartment of Environment and Natural Resources (DENR) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi niacting presidential spokesperson Martin Andanar nitong Huwebes, itinalaga bilang OIC ng DAR siUndersecretary for Policy, Planning and Research Office David Erro.

Ipinuwesto muna siUndersecretary for Field Operations-Mindanao Joselin Marcus Fragada bilang OIC naman ng DENR.

Hindi na nagbigay ng paliwanag ang Malacañang hinggil sa nabanggit na desisyon.

Probinsya

72 anyos na lola, patay matapos saksakin sa bibig ng umano'y kinakasamang 33 anyos na lalaki

Kamakailan, napili na ni president-elect Ferdinand Marcos, Jr. siAbono party-list Rep. Conrado EstrellaIII bilang kalihim ng DAR.

Nitong Huwebes, wala pang napipili si Marcos na magiging kalihim ng DENR.