Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga proyekto para na rin sa kapakanan ng mamamayan.

“I hope that the next administration will also continue the things that would make our people happy. Although not all but may makita sila that we are doing something with the money of the people,” bahagi ng talumpati ni Duterte matapos dumalo sa awarding ng mga housing unit sa Central Park, Bangkal, Talomo District sa Davao City, nitong Huwebes.

Aniya, ipinamahagi ang pabahay sa mga kawani ng gobyerno, overseas Filipino worker, uniformed personnel at iba pang benepisyaryo. 

Nangangahulugan aniya na ginagamit sa mamamayan ang pera ng pamahalaan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

“The low-cost housing program is our way of giving back to the country’s hardworking uniformed personnel and civil servants. Ibig kong sabihin bumabawi lang rin ang gobyerno sa sakripisyo ninyo.Kaya ako alam ko kasi matagal akong mayor, 23 years, so nakapa ko na lahat ang — lahat, lahat ng sektornakapako na. And these are the things that we would like to continue sana but hindi ko na panahon,” sabi ng Pangulo.

Nanawagan din ito sa National Housing Authority (NHA) na paigtingin ang kanilang trabaho upang matulungan ang mahihirap na pamilya.