Ipagpapatuloy na ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa bansa sa susunod na buwan.

Sinabi ni Comelec acting Spokesperson Rex Laudiangco nitong Huwebes na isasagawa nila ang voter registration simula sa Hulyo 4 hanggang 23.

“Approval of the Resumption of Continuing Voter’s Registration from July 4-23, 2022. Resolution to be formally promulgated,” ani Laudiangco, sa mensahe sa mga mamamahayag.

Matatandaang ang susunod na halalan na idaraos sa bansa ay ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Disyembre 5.  

Ani Laudiangco, wala pang isang buwan ang itatagal ng rehistruhan, alinsunod na rin sa Republic Act (RA) No. 8189 o ang Continuing Voter's Registration Act.

“Under RA 8189, voter registration is prohibited within 120 days prior to elections,” paliwanag ni Laudiangco.