Puwede pa raw bumalik sa ABS-CBN si Toni Gonzaga dahil hindi naman daw siya tinanggal dito, kundi ito raw ang kusang nagbitiw, sa kasagsagan ng kampanya, sey ng isang ulat.
Matatandaang nagbitiw bilang main host ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" si Toni G nang umani siya ng katakot-takot na batikos nang magsilbi siyang host ng proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero sa Philippine Arena.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/">https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/
Maraming mga netizen, solid Kapamilya fans, at maging ilang mga personalidad na nagtatrabaho sa Kapamilya Network ang nagbuhos ng kanilang reaksiyon at komento sa social media; paano raw naatim ng TV host-actress na ipakilala nang buong taginting ang ilan sa mga kandidato ng UniTeam na naging dahilan ng pagkawala nito ng prangkisa, gaya ni Congressman Rodante Marcoleta.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mga-dati-at-kasalukuyang-abs-cbn-workers-dismayado-kina-toni-karla/">https://balita.net.ph/2022/02/09/mga-dati-at-kasalukuyang-abs-cbn-workers-dismayado-kina-toni-karla/
Naungkat din ang kasaysayan ng ABS-CBN na nakaranas ng unang shut down sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na ama ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Ang siste, sa social media lamang daw nagbitiw si Toni, bagay na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 9.
"It has been my greatest honor to host PBB for 16 years," saad ng TV host-actress.
"From witnessing all my co-hosts' transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!"
"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."
"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything."
"This is your angel, now signing off…"
Bukod sa kaniyang mensahe, kalakip din nito ang kaniyang litrato habang nasa entablado ng PBB.
Kaagad namang nagkomento rito ang dati niyang co-host na si Mariel Rodriguez-Padilla, ang misis ni senatorial aspirant Robin Padilla. Sinambit niya ang sikat na linyang 'Welcome to the outside world' na sinasabi ng mga host sa mga na-eevict na PBB housemates tuwing Eviction Night.
"I love you Toni. You are a friend and a sister FOREVER. Welcome to the outside world, Toni."
Pati ang magsisilbing main host at pinagbilinan ni Toni na si Bianca Gonzalez ay nag-iwan din ng makabagbag-damdaming mensahe para sa kaniya. Si Bianca ay isang Kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.
"Nobody can ever take your place and do it like you, @celestinegonzaga, nag-iisa ka. Love you both."
Tumugon din kaagad dito si Mariel, "@iamsuperbianca, friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics… beyond it all. Go make us proud B! You got this! We believe in you!"
Sina Toni, Bianca, at Mariel ang tinaguriang 'Kuya's Angels'.
Nabanggit din ni Direk Lauren Dyogi na ang PBB ay si Toni at si Toni ay ang PBB. Hindi umano mapaghihiwalay ang dalawa.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/balikan-direk-lauren-sinabing-si-toni-ay-pbb-at-ang-pbb-ay-si-toni/">https://balita.net.ph/2022/05/30/balikan-direk-lauren-sinabing-si-toni-ay-pbb-at-ang-pbb-ay-si-toni/
Masasabing mahal naman ni Toni ang PBB dahil sinabihan niya ang audience sa ginanap na 'World Expo 2020' sa Dubai, United Arab Emirates noong Marso 3, 2022, na patuloy itong suportahan at panoorin kahit wala na siya roon bilang main host.
"Sana kahit wala na ako sa PBB, sana manood pa rin kayo ng Pinoy Big Brother. Mahalin pa rin natin si Kuya at ang kanyang mga housemates," aniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/05/toni-may-apela-sana-manood-pa-rin-kayo-ng-pbb-mahalin-pa-rin-natin-si-kuya-at-mga-housemates/">https://balita.net.ph/2022/03/05/toni-may-apela-sana-manood-pa-rin-kayo-ng-pbb-mahalin-pa-rin-natin-si-kuya-at-mga-housemates/
Going back kay Toni, matunog din ang bali-balitang magkakaroon siya ng posisyon sa bagong TV network ni dating Senador Manny Villar, kasama si Wowowin host Willie Revillame, subalit wala pang malinaw na detalye o kumpirmasyon tungkol dito. Papalitan na rin daw ang pangalan nito na "ABS".
Sa ngayon, mapapanood si Toni sa kaniyang award-winning talk show vlog na "Toni Talks" kung saan una siyang na-cancel dahil sa pagsasagawa ng panayam kay PBBM.
Sa kasalukuyan, wala pa umanong offer ang ABS-CBN kay Toni. Tanong ng bayan, makatulong kaya siya sa muling pagbabalik ng prangkisa nito, lalo't kamakailan lamang ay napabalita ang pagtungo ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak sa isa sa mga opisina ni BBM?