Kung may mga taong nanlalaki ang mga mata kapag nakikita na ang karayom ng injection, tila ganito rin ang reaksiyon ng isang aso mula sa Davao City, nang makita niya ang karayom para sa kaniyang CBC test.

Sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 3, ibinahagi ng furmommy na si Sonia Geli, 55 anyos, ang panlalaki ng mga mata ng alagang asong si Thali nang makita na ang itutusok na injection sa kaniya, para sa nabanggit na blood extraction.

"I viewed these pics many times paulit-ulit. Kuha kanina during blood extraction ng mga Vet sa mga rescue dogs ko. Late ko na napansin hitsura ni Thali after nireview ko mga pics. Nakakatawa talaga facial expression ni Thali… ang rescue dog namin na takot na takot sa needle."

"Pero hindi naman siya nag-resist ng kinunan na siya ng dugo kanina for her 2nd CBC Test, 'yon nga lang ang mukha niya ay hindi talaga mahitsura hehehe. Kahit paliguan siya ganiyan din mukha nya, nagtatakbo, kailangan pa namin dakpin. Titingnan ka muna parang nagmamakaawa na huwag na siyang injectionan o paliguan."

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Pero basta ako lang ang humawak sa kaniya, feeling kampante na rin siya," kuwento ni Sonia.

May be an image of 3 people, dog and outdoors
Larawan mula kay Sonia Geli (Sonia Tata William sa Facebook)

No description available.
Larawan mula kay Sonia Geli (Sonia Tata William sa Facebook)

Bilang founder ng Davao Animal Rescue Volunteers Group, malaki ang puso ni Sonia sa pet dogs lalo na ang mga walang permanenteng tirahan o palakad-lakad sa kalye.

Sa dami ng rescue dogs niya ay di maiiwasang magkahawaan ng sakit.

"Pina-CBC complete blood count ko kasi mga rescue dogs ko ng time na ito. Nagkasakit kasi ng blood parasites o Erhlichia ang iba sa kanila dahil sa isang bago ko na rescue dog. Bale nahawa sila. Need ko ipa-CBC para malaman kung sino sa kanila ang mababa na talaga ang platelet," ani Sonia sa panayam ng Balita Online.

Sinimulan umano ni Sonia ang pag-rescue sa mga aso at pagtatatag ng DARV group noong 2009.