ISABELA — Tatlong anggulo ang tinitingnan ng Special Investigation Task Force sa nawawalang pulis na nakatalaga sa Cabatuan Police Station.

Kinilala ng Isabela Provincial Police Office ang nawawalang pulis na si Police Senior Master Sgt. Antonino Agonoy, 42, residente ng San Mateo, Isabela.

Noong Hunyo 5, iniulat ng pamilya sa pulisya na hindi na nakauwi si PSenior Master Sgt Agonoy.

Sa panayam ng lokal na istasyon dito, sinabi ni PMajor Lorvin Layugan, hepe ng Cabatuan Police Station, na kanilang sinusuri ang kuha ng CCTV camera sa Cabatuan at Cauayan City kung saan natagpuan ang NMAX motorcycle nito.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sinabi ni PMajor Layugan na bumuo ang IPPO ng Special Investigation Task Force para manguna sa imbestigasyon.

Dagdag pa ni PMajor Layugan, tatlong anggulo na ang iniimbestigahan ng SITF ng IPPO kaugnay ng pagkawala ni senior Master Sergeant Agonoy.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa pamilya ni Agonoy para mapabilis ang imbestigasyon.

Samantala, sinabi ni Major Amy M. Dela Cruz, Police Information Officer ng IPPO, na sakaling magkaroon ng update ay maglalabas sila ng mga pahayag.

“On going pa din ang paghahanap at pag iimbestiga,” saad ni Dela Cruz sa Manila Bulletin.