Masayang ibinahagi ni outgoing Vice President Leni Robredo na nakapag-impake na sila sa Office of the Vice President sa pamamagitan ng Facebook Live ngayong araw, Hunyo 22.

Ayon kay outgoing VP Leni, unti-unti na nilang dadalhin ang mga gamit nila sa susunod na opisina nila, lalo na ang mga gamit at regalong ibinigay sa kaniya noong panahon ng pangangampanya.

Nagkaroon din ng maiksing tour si Robredo sa naging opisina niya sa loob ng anim na taon. Opisyal na matatapos ang termino niya sa ika-30 ng Hunyo, 2022, alinsunod sa Konstitusyon.

Bumaha naman ng mensahe ang mga tagasuporta niya sa comment section.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

"Thank you po VP for being the best public servant we ever had! Kayo po ang tunay na Presidente sa puso namin!"

"Thank you Ma'am for your good service to our country. (You became more beautiful during the campaign. ) Salute to the best VP our country ever had. We love you!"

"Hello, Maam. Miss you. Hope to work with you, through Angat Buhay NGO, on our Media Literacy Program in the Provincial Information Office of Lanao del Sur."

"God bless you always and may the new journey you are about to undertake bring you closer to our people."

Ipinangako naman ni Robredo na mas magkakaroon pa siya ng mga FB Live pagkatapos ng termino sa Hunyo 30. Sa Hulyo 1 ay magsisimula na ang kanilang Angat Buhay NGO.