Pormal na ngang ipinakilala ang Kapamilya actress na si Liza Soberano bilang bagong talent sa ilalim ng Careless Music, ang record label na pagmamay-ari ni James Reid.
Idinetalye ni Liza sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP na noong Setyembre 2021 pa pala nagsimula ang transaksyon nila ng katambal at real boyfriend na si Enrique Gil kay James. Si Liza umano ang nag-push na matuloy na ang paglipat ng talent agency mula kay Ogie Diaz at co-managed naman ng "Star Magic", ang talent management arm ng ABS-CBN na siyang bumuo sa tambalang "LizQuen".
Si Liza lamang daw ang pumirma sa Careless Music dahil may kontrata pa si Quen (Enrique Gil) sa ABS-CBN; siya naman, patapos na ang kontrata sa Star Magic at kay Ogie. Tapos na rin umano ang kontrata niya sa Kapamilya Network at Star Cinema noong 2019.
Isang malaking career move daw ang nais ni Liza kaya nahikayat siya ni James na pumirma sa kaniyang record label.
Nilinaw din ni Liza na wala pa siyang offer mula sa ibang TV network, ngunit kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin pa rin niyang magtrabaho at gumawa ng proyekto sa ABS-CBN kung saan siya napasikat nang husto. Wala pa umano ang puso niya sa ibang estasyon.
"My contract with ABS-CBN actually ended in 2019 so I had no contract with them, but I still work closely with ABS… Yes, I prefer to work with ABS-CBN. I always have, like, a loyal heart for them.
"I've always been a fan of ABS-CBN before I started working with them. They kinda brought in the Filipino culture in me because of TFC (The Filipino Channel) and everything."
"I don't know if I have it in my heart to work with other stations. I'm sorry, it's just I Iove ABS-CBN so much."
Sa katunayan, may pini-pitch daw na proyekto sa kanila ang ABS-CBN, Star Cinema, at Star Creatives. Magsisimula na raw ang mga meeting nila sa susunod na linggo at titingnan pa ng LizQuen kung aprub ba sa kanila ang proyekto at nakalinya ito sa direksyong nais nilang patunguhan sa career nila.