MABALACAT CITY, Pampanga – Arestado ang tatlong drug suspect at napuksa ang isang makeshift drug den sa isang operasyon sa 19th St., Barangay Dau, Miyerkules, Hunyo 22.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 (Central Luzon), ang mga suspek na sina Ruben Esquariaga Cruz, alyas “Boy,” 61; Daisy Walker David, alyas “Ate,” 49; at Alvaro Cabanding Balmores, 20, pawang residente ng 19th St., Barangay Dau.

Nakuha sa mga suspek, kasama sa PDEA-Philippine National Police (PNP) unified watchlist, ang walong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 11 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P97,900; samu't saring drug paraphernalia, at ang buy-bust money.

Ang anti-drug operation ay isinagawa ng PDEA-Central Luzon at lokal na pulisya sa mga reklamong natanggap mula sa mga residente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.