Umani ng panlalait mula sa ilang mga netizen ang casting ni Direk Darryl Yap para sa pelikulang "Maid Malacañang" kung saan isa-isang ibinunyag kung sino-sino ang mga artistang magsisiganap sa pamilya Marcos noong maganap ang EDSA People Power 1.

Kahapon, Hunyo 21, ipinasilip ng direktor ang first look photo ni Cristine Reyes, ang gaganap bilang si Senadora Imee Marcos.

Marami naman sa bashers ang nagsabing tila hindi raw bagay si Cristine para kay Senadora Imee, lalo na raw sa hugis pa lamang ng mukha nito.

May ilan pang mga netizen na nagmungkahing bakit hindi sina Ai Ai Delas Alas o Juliana Parizcova Segovia ang kuning gumanap sa senadora.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Buwelta naman ng direktor lalo na sa mga Kakampink, "Kung nanalo sana kayo, gawa kayo ng pelikula tungkol sa kandidato n'yo, doon kayo magdesisyon ng casting…"

"Eh kaso natalo nga si Leni, paanong gagawin natin? Ipagsisiksikan n'yo na lang yung talunan n'yong opinyon sa pelikula ng nanalo?"

"Ganyan na kalungkot ang buhay n'yo?"

"HAHAHAHAHAHA!"

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Samantala, nauna nang naibalitang ang gaganap bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ay si Cesar Montano habang si Ruffa Gutierrez naman ang dating First Lady Imelda Marcos.

Si Diego Loyzaga naman si Bongbong Marcos at si Ella Cruz naman si Irene Marcos.

Pasok din sa cast bilang mga kasambahay sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.