LUNGSOD NG BAGUIO – Isasagawa sa apat na magkakasunod na Huwebes simula Hunyo 23 ang pinaigting na house-to-house search and destroy activity para sa posibleng mosquito breeding sa lugar.

Nanawagan dito si Mayor Benjamin Magalong sa akademya, non-government organizations, business community, at pribadong indibidwal na makiisa sa kampanyang tinaguriang “Denguerra” (giyera laban sa dengue).

Ang mga interesadong grupo at indibidwal ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang mga opisyal ng barangay, sinabi ng pinuno ng City Health Services Office (HSO) na si Dr. Rowena Galpo.

Ayon kay City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) head Dr. Donna Tubera-Panes, ang pinakamahusay na oras para mahuli ang lamok na nagdudulot ng dengue ay nasa yugto ng itlog nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang kontrol ay dapat gawin nang maaga dahil ang isang lamok sa apat na linggong buhay nito ay gumagawa ng 40 na pares ng reproduktibo sa loob ng pitong araw at ang bilang ay maaaring dumami ng hanggang libu-libo at magkalat ng mas maraming kaso ng dengue sa loob lamang ng ilang araw, kung hindi makontrol, sabi ni Panes.

Napagkasunduan ang search and destroy activity sa pulong noong Lunes, Hunyo 20, sa City Hall ng reconstituted Baguio City Anti-Dengue Committee (BCADC) sa pamumuno ni Magalong at dinaluhan ng mga city department head at iba pang opisyal ng lungsod at mga kinauukulang ahensya.