Ilang oras matapos ilabas ng folk and pop rock band na Ben&Ben ang bagong kantang “Langyang Pag-ibig” ay agad din itong trending sa streaming giant na YouTube.

Nakarelate ang maraming “Liwanag,” tawag sa fans ng sikat na grupo, sa bagong single ng Ben&Ben na inilabas tanghali ng Miyerkules, Hunyo 22.

Ayon na mismo sa sikat na banda, alay ng grupo ang kanta sa mga taong hindi napanindigan ang inalay na pag-ibig.

Sa pag-uulat, bumulusok sa number 16 trending for music ang official lyric video ng Langyang Pag-ibig sa YouTube Philippines.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Tumabo na rin ito ng mahigit 165,000 views.

Kaniya-kaniyang interpretasyon naman ang ilang Liwanag sa panibagong kanta.

“I think this song, symbolizes our past relationships/friendship to anyone that called "almost". Yung muntik na hanggang dulo, pero sumuko. Yung pinangakuan ka ng maraming bagay, pero at the end of the day they leave. The Langyang Pag-ibig was the most happiest and hurtful love we can experience. But the privilege to love the person is the most important thing we can do. Just choose to just love, walang natatalo sa mga taong pure ang intention at nagmamahal ng buong puso. Maybe it's a song for those who are healing to the breakups, na gusto hanapin ang sarili. Gusto makalaya, may gusto pa patunayan. Maybe the Lord want that we focus on ourselves muna, sa pangarap, sa pamilya. True love can wait, be the right person before finding the right one! Puhon, palaging may paghilom!! Patawarin ang sarili, palayain ang sarili sa lahat ng sakit! You deserve the best, love!! Keep on waiting and praying! ♡” mahabang paliwanag ng isang YouTube account sa lyric video ng kanta.

“The ‘Ikaw ang aking pinakamatamis na pagkakamali’ hits diff knowing what we all risked for those who are our almost. Hugs to everyone in the same page, makakausad din tayo balang araw.”

“I think the main intent of this song is awareness, that we should be fully committed or sure about ourselves before entering a relationship. Related ito sa kasabihan ng matatanda na ‘Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iyo na la­mang iluluwa.’”

“The shade sa part ng bridge and then wishing the other person's happiness in the presence of another sa last chorus is so on point. I think the song depicts a loud silence for those who chose to let go of their partners (like me) na kahit anong sakit and/or galit 'yung maramdaman natin, we'd still choose to pray for his/her happiness 'cause that's how much we love them even in our expense.”

Biro ng Ben&Ben sa fans sa isang Facebook post, “Sabi sainyo parang kagat lang ng dinosaur e hahaha#LangyangPagIbigOutNow.”

Mapapakinggan na ang brand new single sa lahat ng music platforms.