Aabot pa sa 32 panibagong kaso ng Omicron BA.5 subvariant ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.

Sa datos ng DOH, nasa 43 na ang kabuuang kaso ng Omicron BA.5 subvariant sa bansa.

Sa naidagdag na kaso, 21 ay mula Western Visayas, tig-apat naman sa Calabarzon at Metro Manila, at 3 mula sa Central Luzon, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, 30 sa naturang bilang ay fully-vaccinated habang ang isa ay partially-vaccinated. Ang ika-32 sa nahawaan ng sakit ay isinasailalim pa sa verification process.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Aniya, asymptomatic ang lima sa mga ito habang ang 22 ay nakararanas ng bahagyang sintomas.

"Hindi pa natutukoy ang exposure ng mga indibidwal at inaalam pa ang travel history nito," ayon pa kay Vergeire.