Ang phenomenon na tinawag na June Solstice ay hudyat na rin ng pagsisimula ng Summer season sa northern hemisphere habang Winter naman sa southern hemisphere.

Mararanasan ng Pilipinas ngayong Martes, Hunyo 21 ang pinakamahabang araw at pinakamaiksing gabi ngayong taon, ayon kay Nathaniel “Mang Tani” Cruz, isang meteorologist, sa isang ulat, Lunes.

Samantala, sa parehong ulat, sinabi ng eksperto na mababa rin ang tsansa na magkaroon ng sama ng panahon o bagyo sa bansa sa loob ng linggong ito.

Gayunpaman, binabantayan pa rin ang posibleng pagbabago sa nasabing forecast.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

&t=108s