Plano ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na gawing College of Medicine and Allied Health Services ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila (OSMA).

Nabatid na nilagdaan na ni Domagoso ang deed of donation, sabay sa pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng PLM nitong Lunes.

Ang nasabing deed of donation ay pormal na nagkakaloob sa PLM ng nasabing lumang gusali.

Matatandaang nagpatayo na si Domagoso ng isang world-class na Bagong Ospital ng Maynila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinangako rin niya na gagawing bagong campus ang lumang gusali ng OSMA para sa PLM.

Dahil sa karagdagang pasilidad sa PLM, sinabi ni Domagoso na ang lungsod ay maaari nang tumanggap ng mas maraming estudyante para sa iba't-ibang kurso.

Sinabi ng alkalde na ang PLM main campus sa Intramuros ay mababakante kapag umalis na ang College of Medicine.

Ang Bagong Ospital ng Maynila ay nakatakda namang pasinayaan nina Domagoso at Vice Mayor, na ngayon ay Mayor-Elect Honey Lacuna, sa Hunyo 24, kasabay ng pagdiriwang ng 450th Founding Anniversary ng lungsod.