CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO — Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang mahigit P3 milyong halaga ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang suspek sa buy-bust operation sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte noong Lunes, Hunyo 20.

Kinilala ni Police Regional Office 1 Regional Director, Police Brigadier General Westrimundo D. Obinque ang mga suspek na sina John Mark Dinong 33, residente ng Brgy. Balioeg, Banna, Ilocos Norte at Clifford Malana, 45, tubong Aparri, Cagayan at kasalukuyang umuupa ng apartment sa Brgy. 16 San Marcos, San Nicolas, Ilocos Norte.

Si Dinong ay isa ring nangungunang drug personality sa Appari, Cagayan.

Nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing mga suspek matapos silang mahuli na nagsasabwatan para magbenta ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa isang police poseur-buyer sa Sitio 1, Brgy. 16 San Marcos, San Nicolas, Ilocos Norte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Narekober din sa mga suspek ang ilang heat-sealed transparent plastic sachet na may iba't ibang laki at naglalaman ng umano'y shabu, isang black chest bag, apat na aluminum foil strips, isang glass tooter, isang gunting, tatlong cigarette lighter, isang pulang improvised shovel. , isang unit Oppo Cellphone, at isang Taurus PT 1911 caliber 45 na may serial number na NDP 05094 na may kasamang magazine at kargado ng 8 live ammunitions at isa pang magazine para sa nasabing baril na kargado ng 8 live ammos.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.