Nakiramay si outgoing Senator Leila de Lima sa naiwang pamilya ng Pinoy lawyer na si Atty. John Albert Laylo.

Ayon kay de Lima, dalawang taon na naging parte ng kaniyang legislative team si Laylo.

"For the bereaved family of Atty. John “Jal” Laylo: My deepest condolences on Jal's untimely passing. He was so young and still full of dreams," aniya sa kaniyang tweet nitong Lunes, Hunyo 20.

"He was part of my legislative team for two years before he left to pursue his Masters," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/SenLeiladeLima/status/1538704196450799616

Pagbabahagi pa ni de Lima, isang mabuting tao at mahusay na katrabaho ang pumanaw na abogado.

"Isang mabuting tao at mahusay na katrabaho, a man of high energy and vibrant spirit. No words can ease the pain that you are feeling right now but I pray that Jal's beautiful memories will give you comfort in this difficult time," anang senadora.

"Panalangin ko po ang inyong katatagan at kapanatagan ng isipan. Rest in eternal peace with our Lord, dear Jal," dagdag pa niya.

https://twitter.com/SenLeiladeLima/status/1538704199252582400

Nauna rito, noong Linggo ay nakarating sa kaniya ang tungkol kay Laylo.

"Walang puwang dapat ang ganitong karahasan sa mundo. Dapat mapanagot agad ang maysala at matigil na ang ganitong mga karumal-dumal na krimen."

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/06/20/ina-ng-namatay-na-pinoy-lawyer-hindi-pa-rin-makapaniwala-sa-sinapit-ng-anak/