Matapos ang eleksyon ay papalagan na ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo sa pamamagitan ng legal na rekurso ang mga indibidwal na sangkot sa patuloy na pagpapakalat ng fake news gayundin ang social media platforms na naging daan ng mga ito.

Ito ang ibinahagi ng abogadong si Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo sa lingguhang radio program ni Robredo kung saan sinabi niyang isang grupo ng mga abogado ang maglulunsad ng inisyatiba laban sa mga maling impormasyon at kasinungalingang ibinato sa bise presidente.

“Malinaw na gagawa tayo ng ilang aksyon para labanan at tumugon sa fake news. Sa mga darating na linggo, magkakaroon tayo ng ilang anunsyo kung ano ang gagawin para matigil na ang mga kasinungalingan sa social media,” saad ni Gutierrez noong Linggo, Hunyo 20.

Ang hakbang ay itutuloy sa pagtatapos ng termino ni Robredo sa Hunyo 30.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dagdag ni Gutierrez, hindi lang kay Robredo tutugon ang mga legal na aksyon bagkus maging sa ilang mga naging biktima rin ng fake news, kung saan sinabi rin niyang isang banta sa demokrasya ng bansa, at sa diskurso ang maling pagpapakalat ng mga impormasyon.

Noong panahon ng kampanya, matatandaang tinira ni Robredo ang kawalan ng hakbang ng gobyerno laban sa mga indibidwal na nangunguna sa pagpapakalat ng fake news.

Basahin: Robredo, pinuna ang gov’t sa kawalan nito ng aksyon vs fake news – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa Tsek.ph, isang academe-based fact-checking initiative, si Robredo ang pinakamalaking biktima ng fake news habang si ngayo'y President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang nakinabang nang husto sa mga positibo ngunit "misleading" contents online.

Noong Nobyembre 2021, nabanggit ng bise presidende na dapat pala’y naging aktibo ang kaniyang kampo noon pa sa paglaban sa fake news.

Basahin: VP Leni Robredo, papalag na sa mga fake news – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid