Dapat daw ay hindi iniisip ngayon ni Senador Robin Padilla ang kaliwa’t kanang isyung ipinupukol sa kaniya kung bakit siya nag-number 1 sa pagkasenador noong nagdaang halalan, kundi kung paano patutunayan sa mga bumoto sa kaniya, na deserve nitong maluklok bilang mambabatas.

"Hanggang ngayon issue pa rin iyong pagiging number 1 ni Robin Padilla sa Senate race ng nakaraan election Salve. Ang kailangan ngayon ipakita niya na karapat-dapat siya sa naging tiwala sa kaniya ng maraming bomoto. Dapat ang isipin ni Robin iyon pressure ng hinihintay na resulta sa kaniyang performance as Senator. Number 1 ka kaya pang number 1 din dapat ang performance," ani Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Hunyo 19.

Lahat daw ng kaniyang mga kukuning consultants ay dapat na magdoble-oras upang maibigay ang magandang resulta mula sa tanggapan niya.

"Now is the time for Robin Padilla to shine, to give his best, ang gandang break nito sa kaniya. Ipakita niya na puwede uli mapunta sa mataas na puwesto ang isang taga-showbiz gaya ni Joseph Estrada na naging Presidente pa. Sayang nga at may nangyaring hindi maganda."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kabilang banda, naniniwala ang showbiz columnist na kayang-kaya ni Robin ang hamong ito sa kaniya.

"This time puwede pa rin magpakitang-gilas ni Robin Padilla, after all nag-number 1 siya kaya ibig sabihin, malaki pa rin ang tiwala ng tao sa mga taga-showbiz."

"Ipakita mo na kayang-kaya Robin, at alam namin kaya mo iyan. Promise," ani Lolit.

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon dito ang kampo ng senador.

Matatandaang pinag-uusapan ng mga netizen ang umano'y hindi niya pagpapasalamat kay President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa kaniyang pagkapanalo at pagiging number 1 bilang senador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/robin-pinasalamatan-si-kris-malaki-ang-naitulong-sa-pagkapanalo-bilang-senador/">https://balita.net.ph/2022/06/09/robin-pinasalamatan-si-kris-malaki-ang-naitulong-sa-pagkapanalo-bilang-senador/

Sa isang hiwalay na Facebook post ay ipinaliwanag naman ng mambabatas ang kaniyang panig tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/09/ilang-uniteam-supporters-nagalit-kay-robin-bakit-daw-kay-kris-nagpasalamat-at-hindi-kay-pbbm/">https://balita.net.ph/2022/06/09/ilang-uniteam-supporters-nagalit-kay-robin-bakit-daw-kay-kris-nagpasalamat-at-hindi-kay-pbbm/