May pa-'Happy Father's Day' message si Kapuso actress Max Collins sa kaniyang mister na si Pancho Magno na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Hunyo 19.

Makikitang inilakip ni Max ang litrato ng anak nilang si Skye Anakin.

"Thanks to you I have the greatest gift of all. Happy Father’s Day @magnopancho," saad sa caption ni Max.

Tumugon naman dito si Pancho.

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

"Thank you!" aniya.

Sa comment section, nagtanong naman ang mga intrigerang netizen kung bakit walang pa-'I love you!' sa isa't isa ang dalawa.

"@magnopancho wala man lang po bang i love you pa rin @maxcollinsofficial."

"Civil it's other na lang para sa cute na cute na anak nila…"

"Ako rin nag-aabang deserve naman ni Max."

Matatandaang hindi sinasadyang maispluk ni 'Bolera' lead star Kylie Padilla ang tungkol sa estado ng relasyon nina Max at Pancho.

“First friend talaga in showbiz na friend ko pa rin hanggang ngayon — si Max Collins. We were together in ‘The Good Daughter,’ dun pa lang naging friends na kami, hanggang ngayon. Parehas kaming ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak,” natatawang sagot ni Kylie.

Napagtanto naman ng host na hindi pa kumpirmado ang tungkol sa isyung hiwalay na ang mag-asawang Max at Pancho.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/06/kaloka-kylie-padilla-may-di-sinasadyang-naibuking-tungkol-kina-max-collins-pancho-magno/">https://balita.net.ph/2022/06/06/kaloka-kylie-padilla-may-di-sinasadyang-naibuking-tungkol-kina-max-collins-pancho-magno/

Matatandaang noong 2021 ay una nang umugong ang mga tsikang on the rocks na umano ang relasyon ng Kapuso couple, bagay na pinabulaanan naman ni Max, sa panayam kay Nelson Canlas. Nag-ugat ito sa mga litrato sa birthday party ng anak nila.

“To be honest that got a lot of controversies ‘yung pictures ko, kasi my friends surprised me with such a cute party for Skye and it was really super fun,” aniya.

2017 nang ikasal sina Max at Pancho.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang tugon o reaksiyon sina Max at Pancho tungkol sa di sinasadyang naibuking umano ni Kylie.