Buong pusong inawit ni Jona Viray ang kantang “There You’ll Be” para sa yumaong ama nitong Father’s Day.

Halos limang taon na nang pumanaw si Fernando Viray, ama ng tinaguriang Fearless Diva na si Jona matapos ang halos isang taong pakikipaglaban nito sa sakit na stroke at rhino mucormycosis, isang bihirang impeksyon, mula 2016 hanggang 2017.

Nitong Father’s Day, Linggo, muling inalala ng singer ang ama sa isang raw at makabagbag-damdaming cover ng sikat na kantang “There You’ll Be.”

“For you Daddy. Happy Father's Day in heaven. We miss you so much,🤍” mababasa sa caption ng cover ni Jona.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ibinahagi ni Jona ang short cover sa parehong TikTok, Instagram at Facebook page.

Bagaman kilala sa kaniyang malawak na vocal range ay isang bahagi ng husay din ni Jona sa pagkanta ang madamdaming pagbibigay-buhay sa mga awitin. Kaya naman maraming netizens ang labis na naapektuhan sa tribute ni Jona sa ama.

“Ngayon ko lang naramdaman na napakapainful at napakaganda ng kantang to. My soul was touched. Thank you Jona!”

“So much heart huhu I'm not crying huhu”

“Huhu so much emotion🥺 Sobrang puso kumanta that’s why I adore you!❤️”

“Sobrang galing mo lods sakit sa puso ng kanta!”

“Grabe naman sa emosyon vebs!”

Ilang netizens din ang naka-relate sa singer na parehong nangunguli sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

“Ms. Jona, this inspired me to cover this song din po 🤍 Not on socmed kahapon kasi mas masa-sad ako wala na ang Dadi."

“Happy father’s day in heaven papa.🥺❤️”

“Ano ka ba Jona, pinaiyak mo naman ako! 😭😭😭 Na-miss ko tuloy papa ko na nasa Heaven na.😭😭”

“My song for my lola who just passed away a year ago 🥺🥰 I get emotional every time I listen to this.🥲”