Inanunsyo ni President-elect Bongbong Marcos nitong Lunes, Hunyo 20, na siya ang pansamantalang mamamahala sa Department of Agriculture (DA). Kaugnay nito, ano nga ba ang kaniyang mga naging karanasan sa sektor ng agrikultura?

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/20/president-elect-bongbong-marcos-pansamantalang-pangangasiwaan-ang-da/

Sa ilalim ng kaniyang pamamahala bilang gobernador ng Ilocos Norte (1983-1986; 1998-2007), nakita umano sa probinsya ang malawakang paglaki ng produksyon ng mga palay at mais at maging ang livestock output, base sa kaniyang website na bongbongmarcos.com.

Bukod dito, noong naging Senador si Marcos, naghain siya ng ilang mga panukalang batas upang makatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang dito ang Senate Bill No. 14: National Irrigation Program of 2013, Senate Bill No. 1863: Anti-Rice Wastage Act of 2013, Senate Bill No. 112: National Seeds Production Act of 2013, at Senate Bill No. 409: Philippine Soybean Authority Act of 2013.

Kilala rin umano si Marcos, Jr. sa pagtatanggol sa mga tobacco farmers laban sa hindi makatwiran na pagtaas ng excise tax sa mga tobacco products.

Samantala, noong Abril 2022, sinabi ni Marcos, Jr. na magsisikap siya na mapababa ang presyo ng bigas sa kaniyang administrasyon kapag siya ay nanalo bilang pangulo.

Plano niya na ibaba ang presyo ng bigas ng P20 hanggang P30 kada kilo. Gayunman, para magawa ito, binanggit niya na kailangan niyang pagtuunanang masusing pag-imbentaryong mga ani ng palay sa bansa.