Inirekomenda ng isang infectious disease expert ang paggamit ng pamahalaan ng variant-specific vaccine bilang booster dose na posibleng mas mabisa laban sa nakahahawang Omicron variant.
Nilinaw ni Dr. Rontgene Solante, isa ring miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng pamahalaan, nitong Linggo na mababa pa rin ang porsyento ng paggamit ng booster para sa mamamayan.
Ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng unang booster shot dahil humihina ang bisa ng primary vaccine series pagkalipas ng ilang buwan.
“Kung mag-booster man tayo sa general public, hintayin na lang natin kung darating na 'yung tinatawag natin na mga variant-specific vaccines na talagang mas mataas ang proteksyon against the Omicron rather than giving itong mga 1st generation na mga bakuna na medyo hindi masyadong maganda ang proteksyon against the Omicron in terms of getting the infection," anito.
Noong Enero, inihayag ng American pharmaceutical company na Moderna na nagsasagawana silang clinical trials ng booster dose ng ginawang bakuna upang labanan lamang ang Omicron variant ng Covid-19.
Pagkatapos ng isang buwan, isinapubliko niDr. Mario Jiz ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang isang pag-aaral na nagsasabing walang pagkakaiba sa pagbibigay ng proteksyon ang iniaalok ng Moderna na Covid-19 booster vaccine at ng Moderna Omicron-specific booster dose laban sa Omicron.
Binanggit din nito na mabisa pa rin ang booster shots na ginagamit ng pamahalaan laban sa Omicron.
sa huling datos ngNational Vaccination Operations Center (NVOC), nasa14,704,514 indibidwal na ang tumanggap ng unang booster shots habang aabot na sa648,555 ang nabigyan ng second booster dose.