Tumaas ng₱5.00 bawat kilo ang presyo ng asukal sa pangunahing pamilihan sa Metro Manila dahil na rin sa epekto ng bagyo noong nakaraang taon.
Kabilang sa pumatong ng presyo ang pampublikong pamilihan sa Marikina na naging₱80 mula sa dating₱75 bawat kilo ng kanilang puting asukal,₱70 ang washed sugar nito mula sa dating₱65 at₱65 ang brown sugar mula sa dating₱60.
Sa average retail price ng Department of Agriculture (DA), aabot sa₱70 per kilo ang refined sugar,₱60 naman sa washed sugar at brown sugar.
Tiniyak naman ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na binabantayan nila ang sitwasyon na resulta ng pagtama ng bagyong 'Odette' sa bansa noong Disyembre 2021.
Dahil sa nasabing kalamidad, bumagsak ang produksyon nito sa Negros region mula Marso hanggang Mayo ng taon.
Isinisi rin ang pagtaas ng presyo ng asukal sa pagtaas ng delivery charges bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.